Tuesday, August 4, 2009

Panambitan

Bakit kaya sa mundong ibabaw
Martami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.

Mga mahihirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
May kapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang na loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip na tulungan, itinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong managana.

Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

GAWAIN 1

Ibuod ang Tula sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag

Mahirap maging mahirap sa Pilipinas dahil…

1.

2.

3.

GAWAIN 2

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita.

  1. salapi silaw
  2. kapus-kapalaran
  3. sadyang nadarapa
  4. lalong dinudusta-dusta
  5. panambitan

GAWAIN 3

Sangkap ng tula: Pag-aralan muna ang elemento ng tula, hnapin ito sa slideshare.com. Pagkatapos ay gawin ang gawain 3.

  1. Ilang saknong ang bumubuo ng tula?___________________________
  2. Ilang taludtod ang bumubuo ng bawat saknong? __________________
  3. Magkakatugma ba ang tunog ng mga huling salita sa mga taludtod?_____

Patunayan

4. Ano ang sukat ng taludtod?____________________________________________

Patunayan.

5. Pare-pareho ba ang bilang ng bawat taludtod?______________________________

Patunayan __________________________________________________________

GAWAIN 4

Pagsulat

Sumulat ng tula tungkol sa iyong panambitan sa buhay. Sundin ang sumusunod na pamantayan.

  1. Binubuo ng 4 na saknong
  2. May lalabingdalawahing sukat
  3. Magkakatugma ang mga huling salita
  4. Angkop ang pamagat sa nilalaman ng tula


· Pangkalahatang panuto

Maaring idownload ang gawain 1, 2,3 at saka sagutin. Ipasa sa Huwebes.

Ang gawain 4 ay output bilang 4. Ipasa sa Biyernes.


6 comments:

2_alaixah_4 said...

.mam bat ang hirap naman...hehehe...mama ngayong hwebes ba at biyernes???
mam alyssa bebero poh etoh,,,i da2wnlowd ko na lang mam hah...

2_alaixah_4 said...

...mam sa computer ko na lang ip2sa...ung gawain 1,2,3...
cgeh poh ingatx...
.....:).....

emjhay said...

mam.
pano po ba?? magpasa??

uhm sa ym nyo po bah??\

mj celiz po 2. .
from IV curie

queenie said...

.....mam ang hirap....
.hehehehe...

2_alaixah_4 said...

..mam
xinu
kea
nglabas
ng
KODIGO
mngo2digo
xila
xa
t.l.e
ehh
ang
dali
dali
lang
naman
wala
pang
two
seconds...


he he he

2_alaixah_4 said...

...HaI mAm..
...InGaTx PoH kEo La6EH hAh...
AlYsSa BebErOpOh TuH...