Tuesday, August 4, 2009

Panambitan

Bakit kaya sa mundong ibabaw
Martami sa tao'y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang maakyat sa lipunan.

Mga mahihirap lalong nasasadlak
Mga mayayaman lalong umuunlad
May kapangyarihan, hindi sumusulyap
Mga utang na loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa
Sa halip na tulungan, itinutulak pa nga;
Buong lakas silang dinudusta-dusta
Upang itong hapdi'y lalong managana.

Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo
Tao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?
Kaming mga api ngayo'y naririto
Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

GAWAIN 1

Ibuod ang Tula sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag

Mahirap maging mahirap sa Pilipinas dahil…

1.

2.

3.

GAWAIN 2

Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita.

  1. salapi silaw
  2. kapus-kapalaran
  3. sadyang nadarapa
  4. lalong dinudusta-dusta
  5. panambitan

GAWAIN 3

Sangkap ng tula: Pag-aralan muna ang elemento ng tula, hnapin ito sa slideshare.com. Pagkatapos ay gawin ang gawain 3.

  1. Ilang saknong ang bumubuo ng tula?___________________________
  2. Ilang taludtod ang bumubuo ng bawat saknong? __________________
  3. Magkakatugma ba ang tunog ng mga huling salita sa mga taludtod?_____

Patunayan

4. Ano ang sukat ng taludtod?____________________________________________

Patunayan.

5. Pare-pareho ba ang bilang ng bawat taludtod?______________________________

Patunayan __________________________________________________________

GAWAIN 4

Pagsulat

Sumulat ng tula tungkol sa iyong panambitan sa buhay. Sundin ang sumusunod na pamantayan.

  1. Binubuo ng 4 na saknong
  2. May lalabingdalawahing sukat
  3. Magkakatugma ang mga huling salita
  4. Angkop ang pamagat sa nilalaman ng tula


· Pangkalahatang panuto

Maaring idownload ang gawain 1, 2,3 at saka sagutin. Ipasa sa Huwebes.

Ang gawain 4 ay output bilang 4. Ipasa sa Biyernes.


Wednesday, July 15, 2009

MALIGAYANG BATI!
* Masaya ako at nabuksan mo ang pahina ng aking blogspot.
* Gamitin ito para sa lubos na pagkatuto ng mga aralin sa Filipino IV.
* Dito mo rin aalamin ang ilang aralin na makatutulong upang lubos na mapaigi ang iyong
paggamit ng wika.
* Maaaring dito ka mismo gumawa ng gawain na ipatatakda ko o ipasusulat ko sa papel.